Saturday, June 02, 2018

21 ANYOS NA BABAE HINOLD-UP UMANO SA KALIBO; MGA ALAHAS AT PERA NATANGAY

Dumulog sa Kalibo PNP ang 21 anyos na babae kahapon upang isumbong ang naganap na panghohold- up sa kanya ng tatlong mga lalaki na sakay raw ng tricycle.

Naganap ang insidente sa Calachuchi Road, Brgy. Andagao, Kalibo bandang alas-8:00 ng umaga.

Sumakay raw ang biktima sa tricycle kasama ang 2-anyos na anak ngunit iniliko raw sila ng driber sa Calachuchi road at doon tinutukan ng kutsilyo ng isa sa mga pasahero.

Nakuha umano sa biktima ang anim na gintong alahas at P4,000.00.

Duda ang biktima na magkasabwat raw ang driber at mga suspek.

Naganap ito noon pang Marso 29, 2018 kaya nagtataka ang pulisya na nitong Byernes lang siya dumulog sa kanilang tanggapan.

Iniimbestigahan na ng PNP ang nasabing insidente./ Archie Hilario, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment