main road Brgy. Balabag by Darwin Tapayan |
Hinihintay nalang ngayon ng lokal na pamahalaan ng Malay ang
sagot ng provincial government kaugnay ng kanilang hiling na ibigay sa kanila
ang pamamahala sa circumferential road ng Boracay.
Ayon sa may akda ng resolusyon na si Sangguniang Bayan
member Floribar Bautista, kayang-kaya umanong pamahalaan ng Malay ang nasabing
kalsada.
Paliwanag ng lokal na mambabatas, ang pagkakaroon anya ng
total control and management sa circumferential road ay magbibigay-daan sa
kanila upang matugunan ang suliranin sa trapiko sa Boracay.
Ang panukalang ito ay sinang-ayunan naman ng lahat ng
konsehal.
Saklaw ng Boracay circumferential road ang mga kalsada sa
mga barangay Yapak, Balabag at mga sitio Cagban at Tambisaan sa Brgy.
Manocmanoc.
No comments:
Post a Comment