by Darwin Tapayan |
Isinusulong ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay ang
resolusyon na kinakailangang isailalim
sa mandatory drug test ang mga manggagawa sa Isla ng Boracay.
Ayon kay SB Member Dante Pagsugiron, may akda ng nasabing
panukalang batas, ito ay follow up sa mandatory drug testing sa mga empleyado
ng lokal na pamahalaan ng Malay
na una na ngang naaprubahan sa konseho.
Ang resolusyon ay inirefer sa Committee on Rules at
Committee on Tourism para sa pagbusisi sa 3rd regular SB session araw ng Martes.
Samantala, umangal naman ang ilang mga trabahante sa isla
kaugnay ng nasabing resolusyon, sinasabing dagdag gastusin lamang ito para sa
kanila.
No comments:
Post a Comment