ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Screening in Boracay by Darwin Tapayan |
Nagsimula na ang unang malawakang screening para sa mga elective medical cases victim sa lalawigan ng Aklan.
Ayon kay George Imperial Jr. ng Mabuhay Deseret Foundation, ang elective medical cases ay mga kasong hindi agad nangangailangan ng paggamot at hindi nakakamatay. Gayunman ipinaliwanag niya na ang mga kasong ito ay nagdudulot ng discrimination sa kanila.
Sinabi pa niya na ito ang dahilan kung bakit hindi ito gaanong natutukan ng pamahalaan.
Kabilang anya sa mga kasong ito ang duling, bingot, may katarata, may glukoma, pagkaputol ng paa, clubfoot at iba pa.
Sinabi niya na ang karamihan sa mga biktimang ito ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral at nakakapagtrabaho dulot ng kanilang kapansanan.
Sa pakikipagtulungan sa pamahalaang lokal ng Aklan at iba pang organisasyon, ang screening ay unang isinasagawa sa Boracay araw ng Martes.
Sa Miyerkules ay sa bayan ng Malay, sa Huwebes sa Buruanga, Biyernes sa Lezo, at Sabado sa Tangalan.
Ang makakapasa sa screening ay ipapadala sa mga prominenteng hospital sa Cebu at Manila.
Ang Deseret Foundation ay itinatag noong 1988 para sa layuning makatulong sa mga mahihirap na nakakaranas ng kasong ito.
No comments:
Post a Comment