ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
1st day of the tournament. By Darwin Tapayan |
Nagpakitang gilas sa mga atletang Aklanon ang kinikilalang Asia’s First Grand Master sa larangan ng chess Eugene Torre sa isang mall dito sa bayan ng Kalibo araw ng Martes. Siya ay sumabak sa 10-chess board simultaneous exhibition bilang bahagi ng 7th Peter I. Kimpo Memorial Chess Tournament.
Si Torre ay narito sa Kalibo upang saksihan ang tatlong araw na National Open Chess Tournament Championship at National Age Group Chess Championship mula Miyerkules hanggang Biyernes.
Ang larong ito ay nilahukan ng mga atleta mula sa iba-ibang bahagi ng bansa.
Sa kanyang mensahe sa pagsisimula ng tournament, sinabi ni Torre sa mga batang atleta na maging positibo sa paglalaro ng chess at sa buhay.
Samantala, ayon kay Kalibo Sangguniang Bayan member Philip Kimpo Jr., maliban sa turismo, edukasyon at iba pang bagay ay isinusulong rin anya nila ang “sports tourism” sa lalawigan.
Sinabi pa ng lokal na mambabatas na ang Kimpo Chess Tournament ay isa nang national event na kinikilala ng National Chess Federation of the Philippines. Dahil anya rito mas marami pa ang bibisita sa lalawigan na malaking bagay upang mapalago ang lokal na ekononimiya.
Si SB Kimpo ay pamangkin ni Peter Kimpo, isang mahusay na manlalaro at mentor ng mga kabataan sa chess.
No comments:
Post a Comment