Tanggap at suportado ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang Boracay sa loob ng anim na buwan.
Sa regular sesyon, napagkasunduan ng Sanggunian na magpasa ng resolusyon upang ipahayag ang suporta sa pangulo.
Matatandaan na nagbanta ang pangulo na kung hindi malulutas ang problema sa basura at dumi sa Boracay sa ibinigay na palugit ay ipapasara niya ito.
Paliwanag ni Vice Governor Reynaldo Quimpo, kailangang tanggapin ng lokal na pamahalaan at ng mga mamamayan ang realidad.
Mungkahi ni SP member Harry Sucgang ay magsagawa sila ng imbestigasyon upang mapatunayan ang pahayag ng Pangulo na 'tapunan' ng basura ang Boracay.
Gayunman sinabi ng bise gobernador na hindi na anya kailangan ang imbestigasyon dahil matagal nang hayag ang problema sa isla.
Giit niya, ang kailangan nilang gawin ay makiisa sa plano ng pamahalaang nasyonal na malutas ang problema sa basara at dumi sa Boracay.
Naniniwala ang ibang miyembro na ang pahayag ng pangulo ay nagpapakita lamang na minamadali niya ang paglutas sa problema.
No comments:
Post a Comment