Tuesday, February 13, 2018

BIYAHE NG MGA BANGKA SA ISLA NG BORACAY POSIBLENG ALA-6:00 NA LANG NG GABI DAHIL SA BAGYONG BASYANG

photo ctto
Nanatiling nasa signal no. 1 pa rin ang lalawigan ng Aklan dahil sa bagyong Basyang ayon sa weather bulletin na inilabas ng Pag-asa alas-2:00 ngayong hapon.

Kaugnay rito naglabas ng abiso ang Caticlan Jetty Port at Philippie Coastguard na may paglimita sa biyahe ng bangka patungo at paalis mula sa isla ng Boracay.

Kapag nanatili ang signal no. 1 sa probinsiya, haggang 6pm lamang ang biyahe ng Oyster Ferry, at lahat ng mga fast craft sa baybayin ng Boracay at magsisimula ala-6:00 ng umaga.

Sinabi rin ni Jean Fontero, special operation 3 ng port, kanselado narin ang biyahe ng RoRo maliban lamang kapag may inalabas nang bagong abiso.

Muling maglalabas ng update sa takbo ng bagyo ang Pag-asa, alas-5:00 ngayong hapon.

Para sa mga katanungan o paglilinaw, ang numero ng Caticlan Jetty Port 288-7562 o 118.

No comments:

Post a Comment