Bumaba ang mga kaso ng nakawan o robbery sa kabiserang bayan ng probinsiya ayon sa report ng Kalibo municipal police station.
Sa sinagawang municipal peace and order council meeting, sinabi ni SPO4 Rene Armenio na tatlo lamang ang narekord nilang kaso ng robbery sa buwan ng Pebrero ngayong taon.
Malaki umano ang ibinaba nito kung ikukumpara anya sa nakaraang taon sa parehong buwan na nakapagtala ng 10 kaso ng parehong insidente.
Paliwanag ni Armenio, bumaba ang mga kasong ito dahil karamihan sa mga suspek ay naaresto at nasampahan ng mga kaukulang kaso.
Dagdag pa ng opisyal ng Kalibo PNP, malaki ang naitutulong ng mga close-circuit television sa mga establisyemento komersyal para ma-solve ang mga kaso.
Umaasa naman ang pamahalaang lokal na susunod sa ordenansa ang iba pang mga establisyemento sa pagkakabit ng mga CCTV para sa pagsawata ng mga magnanakaw sa baying ito.
No comments:
Post a Comment