ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Sumuko na sa mga kapulisan ang suspek sa pagbaril sa kanyang
kapatid sa brgy. Bulwang, Numancia Linggo ng hapon.
Kahapon ng umaga ay boluntaryong sumuko sa isang miyembro ng
Kalibo police station ang suspek na Joewhan Borrega, 39 anyos, at residente ng
nasabing lugar.
Agad namang dinala sa Numancia municipal police station ang suspek
at pansamantalang ikinulong doon.
Matatandaan na pinagbabaril ng suspek ang kanyang kapatid na
si Jeffrey Borega, 34 anyos, na dahilan ng kanyang agarang kamatayan.
Una rito, sinugod ng biktima ang suspek sa kanilang bahay at
nanggugulo doon.
Sinubukan ng news team na kunan ng pahayag ang suspek kung
ano ang malalim na motibo kung bakit niya nabaril ang kapatid gayuman man ay
tumaggi itong makapanayam.
Ayon naman sa Numancia PNP, posibleng hindi na magsasampa ng
kaso ang pamilya ng biktima at sa halip ay aayusin nalang ang kanilang
problema.
No comments:
Post a Comment