ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Umakyat na sa 14 na kaso ng firecaraker-related incident ang naitala ng Aklan Provincial Health Office (PHO) mula Disyembre 21 hanggang Enero 1, mas mataas ito kumpara sa 10 kaso noong nakaraang taon.
Napag-alaman na karamihan sa mga biktima ay isinugod sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital. Matapos mabigyan ng kaukulang lunas ay idineklara namang out-patient ang lahat ng mga ito.
Ayon pa sa report, ang bayang ng Kalibo at New Washington ay may pinakamataas na bilang ng mga firecracker-related incident na may tig-aapat bawat bayan na sinundan naman ng Banga na mayroong dalawa.
Sa mga kasong ito, 13 sa mga biktima ay lalaki at isa naman ang babae.
Nabatid rin na karamihan sa mga dahilan ng mga sakunang ito ay kwitis na aabot sa siyam, samantalang ang ipinagbabawal na piccolo at triangle ay may tigda-dalawang kaso at isang kaso ng ipinagabawal rin na sinturon ni Judas.
Karamihan sa mga biktimang ito ay 15 pataas na may 10 kaso na nabiktima ng paputok habang ito ay kanilang hawak-hawak.
Ang pinakabata rito ay siyam na taong gulang mula sa Numancia at ang pinakamatanda naman ay 72-anyos mula Kalibo.
Wala namang naitalang stray bullets at pagkalunok ng paputok ang naiulat sa lalawigan.
Ayon sa pamunuan ng PHO, posible pa umanong madagdagan ang bilang na ito dahil magpapatuloy pa ang kanilang pagmo-monitor hanggang Enero 5.
No comments:
Post a Comment