ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Sa hospital na sasalubungin ng isang 19-anyos na lalaki ang
Bagong Taon ito ay makaraang tagain siya ng kanyang kabarkada sa Brgy.
Poblacion, Libacao dakong alas-7:00 kagabi.
Kinilala ang nasabing biktima na si Jennil Zaspa, residente
ng Brgy. Sebalew, Libacao.
Ayon sa imbestigador ng Libacao municipal police station na
si PO3 Marloue Avilar magkasama umanong nag-iinuman ang biktima at ang suspek
na 16-anyos kasama ang iba pang mga kabarkada.
Nagsimula umano ang kanilang inuman dakong alas-4:00 ng
hapon na kalaunan ay nauwi sa mainitang pagtatalo ng suspek na kakauwi lang
galing Maynila at ng biktima.
Dito na umuwi ng bahay ang suspek malapit sa pinag-iinuman
nilang istaka at pinagtataga ang biktima. Nagtumo ito ng sugat sa kaliwang
bahagi ng ulo at sa kanang kama
y matapos subukang salagin ang sugar cane cutter
(spading) na gamit ng suspek.
Nasakote naman ng mga awtoridad ang suspek at nakapiit
ngayon sa Libacao police station. Ayon pa sa imbestigador posible anyang
maharap ang menor de edad sa kasong frustrated homicide.
No comments:
Post a Comment