ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Target ngayon ng Aklan provincial government ang dalawang milyong tourist arrival sa taong 2017.
Ayon kay jetty port administrator Niven Maquirang, naabot na nila ang target na 1.7 milyon sa taong 2016 o 1, 724, 125 kabuuang bilang ng tourist arrival.
Ang mga nangungunang mga turista ay mula parin sa South Korea (292,869); sinundan ito ng China (259,439); Taiwan (53, 208); Malaysia (24, 465); United States of America (21,274); Australia (14, 883); United Kingdom (14, 397); Australia (11,978); Russia (9,834) at Singapore (9,724).
Umaasa naman si Maquirang sa pagbuhos ng mga turista sa unang quarter ngayong taon dahil narin anya na napili ang Boracay para pagdausan ng 50th year ng ASEAN Summit. Nabatid na nasa apat na pagpupulong ang idaraos dito.
Sinabi rin na Maquirang na ang Boracay ay nanatiling isa parin sa mga cruise-ship destination sa buong Asya.
No comments:
Post a Comment