ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Nakaalerto ngayon ang mga awtoridad sa buong lalawigan ng
Aklan sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo, sinabi ni Aklan Provicnial
Police Office acting director PSSupt. John Mitchell Jamili na pabor ito sa
kagustuhan ni PNP General Ronald Dela Rosa na kahit hindi na lagyan ng tape ang
mga baril ng pulis.
Pahayag pa ng provincial director na disiplina lamang ang
kailangan sa mga kapulisan. Posible anyang matanggal sila sa serbisyo kapag
napag-alamang nagpapu
tok sila ng kanilang baril sa Bagong Taon.
Samantala, sa panayam kay Dr. Paul Macahilas, chief of Dr.
Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital, hindi na pwedeng mag-leave o magbakasyon ang
lahat ng hospital staff particular na ang nakatalaga sa emergency room,
surgeons at mga bihasa sa ‘trauma and injuries’.
Ito ay kaugnay nang nationwide implementation ng code white
alert sa lahat ng mga pampubliko at mga pribadong hospital na magtatagal
hanggang Enero 5, 2017.
Bumili narin umano ng mga bagong gamot ang provincial hospital.
Nakahanda narin anya ang kanilang mga apparatus na gagamitin sa mga posibleng
mabiktima ng mga firecraker-related at stray bullet injuries.
Nabatid na naka-'Red-alert' staus naman ang Bureau of Fire Protection sa lalawigan sa mga banta ng sunog sa nasabing pagdiriwang.
Nabatid na naka-'Red-alert' staus naman ang Bureau of Fire Protection sa lalawigan sa mga banta ng sunog sa nasabing pagdiriwang.
No comments:
Post a Comment