NI DARWIN TAPAYAN, ENERGY FM 107.7 KALIBO
Target ngayon ng Sangguniang Bayan ng Kalibo na mas maparami pa ang mga turistang dumarayo sa bayan. Kaya naman inaprubahan agad sa nakaraang regular session ng konseho ang resolusyon na nagtatakda na maglagay ng ad panel board sa Kalibo International Airport para sa promosyon ng mga tourist spot sa lugar.
Ayon sa naghain ng resolusyon na si SB Philip Y. Kimpo Jr., kapansin-pansin anya na bagaman daan-daang turista ang dumaraan sa bayan ng Kalibo lalu na sa naturang airport, marami parin sa mga ito ang pinipiling puntahan ang Boracay. Ang paglalagay umano ng ad panel board ang isa sa nakikita niyang paraan para makahikayat ng mas marami pang turista na bisitahin ang Kalibo.
Isinasaad sa naturang resolusyon na pumasok sa isang memorandum of agreement ang LGU-Kalibo at ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na maglagay ng panel board para sa promosyon ng turismo ng munisipyo. Wala namang pagtutol rito ang sinuman sa miyembro ng Sanggunian at ikinatuwa pa nila ang naturang balita.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo kay SB Member Kimpo, sinabi nito na bago sumapit ang Pasko at Ati-atihan ay posibleng mailagay na ang dalawang panel board na ilalagay sa international at domestic flight area ng airport. Laman anya ng naturang panel board ang iba-ibang tourist attraction kabilang na ang Bakhawan Eco-Park, PiƱa Village, Tigayon Hill, Museo de Akean at iba pa.
Una na umanong nagpahayag ang CAAP na maaring isang taon lang ang kontrata na isasagawa nila para dito sa kadahilanan ng pagpapalit ng administrasyon ng paliparan.

No comments:
Post a Comment