NI DARWIN TAPAYAN, ENERGY FM 107.1 KALIBO
Photo: (c) Ree Dexter Engienero
Magsisimula na ang makulay na selebrasyon ng Ati-atihan. Sa
mga nag-aabang, naglabas na ng opisyal na schedule of activities ang Kalibo
Sto. Niño Ati-atihan Festival Inc. (KASAFI), ang pribadong organisayon na
nag-oorganisa ng pagdiriwang na ito.
Ang tatlong-buwang Kalibo Ati-atihan Festival na tinaguriang
"The Mother of all Philippine Festivals" ay pormal na magsisimula sa
opening salvo bukas sa Kalibo Pastrana Park. Susundan ito ng "Kasadyahan
sa Magsaysay Park" sa araw ng Sabado. Sa araw ding ito ay may invitational
Sikad sa Kalibo.
Sa Disyembre, nakatakdang gawin ang ilang mga aktibidad para
sa Mutya it Kalibo. Mayroon silang Fashion Show, Swimsuit Competition, at
Talent Competition.
Sa Enero isasagawa ang Finals at Coronation Night ng mga
Mutya. Nakalinya rin ang Car Show; Sikad, Karera, at Bisikleta Show, 5K
Ati-atihan Fun Run; at Bikers Rally. Syempre hindi rin mawawala ang inaabangang
Sangkalibong Tamboe: Parade Floats and Tribes; Pagdayaw kay Sr. Sto. Niño;
"Sinaot sa Calle"; Higante contest; Sadsad Pasaeamat; at ang maingay
at makulay na Street Dancing contest ng mga tribal big, small, balik ati,
modern groups at individual.
Kasabay sa pagdiriwang na ito ng kultura, hindi maaalis ang
likas na debosyon at pananampalataya ng mga tao kay Sto. Niño, kaya naman
nakalinya rin ang mga religious activity sa buwang ito. Magtatagal ang
pagdiriwang sa kaarawan nito sa Enero 15.
No comments:
Post a Comment