Monday, August 20, 2018

PARMASIYA SA TANGALAN PINASOK NG MAGNANAKAW; PHP20K TINANGAY NG MGA SUSPEK

photo © Trip Suggest
PINASOK NG di pa nakikilalang mga magnanakaw ang isang parmasiya sa Tangalan Public Market.

Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan, dumaan ang mga suspek sa bubungan ng Grany's Pharmacy at sinira ang kesame na yari sa sawali.

Natangay umano ng di pa nakikilalang mga suspek ang nasa Php20,000 na halaga ng pera sa parmasiya.

Pinaniniwalaang dumaan palabas sa backdoor ng nasabing establisyemento.

Nadiskubre ng mga empleyado ang nasabing insidente Sabado ng umaga. Wala pang testigo sa insidente. Wala ring CCTV sa lugar.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyari.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment