Tuesday, May 28, 2019

Aklan may bago nang police provincial director


KALIBO, AKLAN - May bago nang provincial director ang kapulisan sa Aklan sa katauhan ni Police Colonel Esmeraldo Osia Jr.

Si Osia ay naging acting provincial director ng Guimaras ng halos isang buwan lamang bago siya nalipat.

Naging hepe rin siya ng Regional Aviation Security Unit (AVSEU) sa Western Visayas.

Si Osia ang pumalit kay PCol. Lope Manlapaz na naglingkod ng mahigit dalawang taon sa probinsiya bilang provincial director.

Si Manlapaz ay malilipat sa Police Regional Office 6 sa Iloilo City.

Isinagawa ang turn-over of command Martes ng umaga sa Camp Pastor Martelino sa Brgy. New Buswang, Kalibo.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Col. Manlapaz sa lahat ng kapulisan sa Aklan, mga stakeholders at mga mamamayan sa pagsuporta sa kanyang liderato.

Habang ipagpapatuloy naman umano ni Col. Osia ang mga magagandang nasimulan ni Manlapaz sa Aklan at i-improve kung ano ang dapat i-improve.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment