Thursday, May 30, 2019

Sasakyan nadisgrasya sa Makato, isa patay

photo by Kasimanwang Archie Hilario, Energy FM Kalibo
Isang crosswind ang nadisgrasya sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Dumga, Makato ngayong hapon. Sa limang sakay, isa ang patay.

Kinilala ang namatay na si Robert Cano, 30-anyos, tubong Janiuay, Iloilo, at pahenante ng sasakyan.
Outpatient naman ang iba matapos magtamo lamang ng kaunting sugat.

Ayon sa kanyang mga kasama, galing umano sila sa Brgy. Caticlan, Malay at patungo na sanang Iloilo nang mawalan ng kontrol ang driver.

Pinaniniwalaang nakatulog ang driver kaya nangyari ang insidente.

Inararo nito ang isang puno ng indian mango at isang motorsiklo na nakapark.

Naipit umano ang pahenante na namatay sa loob ng sasakyan at nagtamo ng malubhang sugat.

Isinugod pa ito sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital pero dineklara ring dead on arrival.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

No comments:

Post a Comment