Thursday, May 30, 2019

Top 7 most wanted person sa Aklan sa mga kasong rape arestado

pohoto: Aklan Trackers Team
KALIBO, AKLAN - Arestado ang itinuturing na Top 7 Most Wanted Person ng Aklan sa Muntilupa City dahil sa mga kaso ng rape.

Kinilala ang akusado na si Crisanto Reyes y Calipos, 38-anyos, may asawa, residente ng Brgy. Tambak, New Washington, Aklan.

Siya ay naaresto ng kapulisan sa pangunguna ng Aklan Trackers Team sa Southville 3, Brgy. Poblacion, Muntilupa City nitong Linggo.

Si Reyes ay nahaharap sa dalawang counts ng qualified rape at dalawang counts ng statutory rape.

Ang kanyang warrant of arrest ay inilabas ng Regional Trial Court dito sa Aklan noon pang Mayo 25, 2018.

Dinala na sa Aklan ang nasabing akusado at nakapiit na ngayong sa kaukulang jail facility.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment