Thursday, May 30, 2019

Lalaki arestado matapos mabaril ang kainuman; baril nasabat

contributed photo
POSIBLENG MAHARAP sa kasong Frustrated Homecide at paglabag sa election gun ban ang lalaking ito matapos mabaril ang kainuman kagabi sa Brgy. Andagao, Kalibo.

Kinilala ang suspek na si Julius Maliswa, 51-anyos, technician at tubong Brgy. Taculing, Bacolod City, Negros Occidental.

Kinilala naman ang biktima na si Jonathan Dioso, 38, isang auto mechanic at tubong Pandan, Antique.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Kalibo PNP, nag-iinuman umano ang dalawa nang inilabas ng suspek ang baril at ipinakita sa kasama.

Aksidente umanong nakalabit ng suspek ang baril at ito ay pumutok at tumama sa tiyan ng biktima. Agad na isinugod ang biktima sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital.

Sa follow-up investigation ng kapulisan ay nahuli ang suspek at nasabat sa kanya ang caliber 9mm na may lamang fired cartridge case, apat na cartridge case ng 9mm caliber at isang deformed fired bullet.

Nakatakdang isalilalim sa inquest proceeding ang suspek habang patuloy na ginagamot sa intensive care unit ng ospital ang biktima.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

No comments:

Post a Comment