Friday, May 31, 2019

Bahay sa Malinao naabo sa sunog

photo: BFP-Numancia
NAABO SA sunog ang bahay na ito na pagmamay-ari ni Danilo Balangat, 58-anyos, sa Brgy. Rosario, Malinao kahapon ng hapon.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire and Protection (BFP) - Numancia, mabilis na nilamon ng apoy ang bahay na yari lamang sa light materials.
Ayon kay FO1 John Daryll Irabon, imbestigador, tinatayang aabot ng Php30,000 ang pinsalang iniwang ng sunog.

Nabatid na nasa labas ng bahay ang may-ari nang mapansin nitong umuusok na ang kanilang bahay.

Dahil sa malayo ang lugar, abo na ang bahay bago pa man makarating ang mga rumespondeng tauhan ng BFP-Numancia.

Tinitingnan naman niya ang pag-short-circuit ng service drop sa nasabing bahay na pinagmulan ng sunog.

Walang naisalbang gamit ang may-ari maliban lamang sa kaunting bigas at telebisyon.

Wala namang nasagutan sa insidente.##

Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment