Saturday, June 01, 2019

3 bahay nasunog sa Isla ng Boracay; nag-iwan ng Php70K halaga ng pinsala

photo: Leonard Tirol, BFRAV
KALIBO, AKLAN - Nag-iwan ng nasa Php70,000 halaga ng pinsala ang sunog na nangyari kanina sa Brgy. Manocmanoc, Isla ng Boracay.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) - Malay tatlong bahay ang nasunog. Totally burned ang bahay na pagmamay-ari nina Angelyn Roda at Zinadar Delos Santos habang partially burned naman ang bahay ni Tony Malihan.

Batay sa paunang imbestigasyon ni FO3 John Henry Ildesa, imbestigador ng BFP-Malay, nagmula ang sunog sa bahay ni Roda. Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil gawa sa mga light materials ang mga bahay.

Nakarating ang ulat sa BFP-Malay banda 2:05 ng hapon at agad rumesponde sa lugar. Nagsimula umano ang sunog dakong 1:30 ng hapon at naapula 2:20 ng hapon.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente habang iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment