Friday, December 07, 2018

Empleyado ng gobyerno probinsiyal nagbigti, patay sa bayan ng Makato

Energy FM Kalibo photo
PATAY ANG isang empleyado ng gobyerno probinsiyal ng Aklan na makaraang magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Poblacion, Makato.

Kinilala sa report ng kapulisan ang empleyado na si Manuel Timtiman III, 36 anyos, residenjte ng nabanggit na lugar, at nagtratrabaho sa Caticlan Jetty Port sa ilalim ng Provincial Treasurer’s Office.

Una siyang natagpuan ng kanilang katulong na nakabitin sa kusina ng bahay gamit ang kawad ng kuryente na nakatali sa kanyang leeg.

Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Provincial Crime Laboratory, natagpuan ang isang suicide note na nagsasabing, “Sori nay di ko na kaya.”

Sinabi naman ni PCInsp Ulysses Ortiz, hepe ng Crime Laboratory, wala silang nakitang palatandaan na may foul play sa insidente.

Hindi pa malaman kung ano ang sanhi ng pagpapakamatay ng empleyado.

Ang misis ng lalaki ay nagtratrabaho bilang nurse sa District Hospital sa Ibajay at doon narin nakatira kasama ang tatlo nilang mga anak.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment