SISIMULAN NANG utangin ng gobyerno probinsiyal ng Aklan ang Php1 billion loan facility sa Development Bank of the Philippines.
Sinusulong ngayon sa Sangguniang Panlalawigan ang paunang utang na Php100 million para gamitin sa iba-ibang infrastructure projects.
Kabilang sa paglalaanan ng pondo ay ang
pagbili at pagsasaayos ng mga heavy equipment, pagtatayo ng oxygen generating plant, at pagbili ng medical waste decomposer.
Inaprubahan na ng Committee of the Whole ng Sanggunian araw ng Martes ang kahilingan ng executive branch na isama ang mga proyekto sa Annual Investment Plan.
Habang pinasusumite pa ng Sanggunian ang executive branch ng detalye ng iba-ibang proyekto na popondohan mula sa Php100 million na uutangin.
Sa pagdinig ng komitiba sinabi ni Berdandino Villaruel ng Provincail Treasurer's Office na base sa kasunduan ng gobyerno probinsiyal at ng bangko, kailangang mautang muna ang nabanggit na halaga bago makautang ng karagdagan.
Ang uutanging Php1 billion mula sa bangko base sa kahilingan ng gobernador ay gagamitin umano sa pagpopondo sa iba-ibang proyekto ng gobyerno probinsiyal.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment