GAGAMITIN BILANG daungan ng mga bumibiyaheng bangka ang front beach ng Boracay sa muling pagbubukas ng Isla sa Oktobre 15 para sa dry run.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo kay Aklan Jetty Port Administrator Niven Maquirang umaga ng Biyenes sinabi niya na ang mga station 2 at 3 at ang Cagban Port ay magiging entry at exit point.
Aniya ang mga turista at mga residente sa Isla ay dadaan sa main building ng Caticlan Jetty Port samantalang ang mga workers ay dadaan sa reclaimed area malapit sa port.
Ang mga bangka aniyang biyahe ay may mga pangalan na kaagad kung saan ito dadaong. Dadaan parin umano sa pagbusisi ang mga pasahero.
Hindi muna aniya papayagang mag-operate ang mga welcome center ng mga resort at hotel sa Caticlan.
Ang panukalang pagbabago umanong ito sa biyahe ng mga bangka ay pansamantala lamang dahil patuloy pang inaayos ngayon ang main road sa Isla.
Samantala, planong ipatupad ang "no booking, no entry" policy sa Isla. Sisiguraduhin ng Department of Tourism na ang mga bisita ay nakabook na sa mga compliant establishment lamang bago payagang makapasok sa Boracay.
Sasailalim pa sa finalization ng Boracay Inter-Agency Task Force ang mga pagbabagong ito.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment