Saturday, September 29, 2018

200 LIFEGUARDS SUMAILALIM SA TRAINING NG COAST GUARD SA BORACAY

BILANG PAGHAHANDA sa muling pagbubukas ng isla ng Boracay sa October 26 ay sumailalim sa training ang nasa 200 mga lifeguards.

Mismong ang Philippine Coast Guard (PCG) Western Visayas ang namuno sa naturang training.

Ayon kay Captain Allan Victor dela Vega, district commander ng PCG 6, ang mga lifeguards ay mula sa mga resort at hotel na nakatayo sa lugar.

Aniya, layunin ng programa na tiyaking qualified ang mga lifeguards upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Ayon pa sa PCG, ang mga establisyimento na nakatayo sa may beachfront ay dapat mayroong mas maraming mga lifeguard.

Ayon pa kay dela Vega, hindi lamang sapat na marunong lumangoy ang mga lifeguards, kundi ay dapat marunong din sila ng techniques at tamang paggamit ng rescue equipment.

Tinuruan din ng PCG ang mga lifeguards ng gagawin sakaling magkaroon ng oil spill.##

- Radyo INQUIRER

No comments:

Post a Comment