Friday, September 28, 2018

PENRO TALABERO PINAGSOSORRY SA TAUMBAYAN NI MAKATO VICE MAYOR LEGASPI

PINAG-SOSORRY NGAYON ni Makato Vice Mayor Bob Legaspi si Provincial Environment and Natural Resources Officer - Aklan Valentin Talabero sa taumbayan.

Kasunod umano ito ng binitawang pahayag ni Talabero sa isang radio station na "politicking science" ang nasa likod ng pagpapasara ng Sangguniang Bayan sa tambakan ng basura sa kanilang bayan.

Ito ang hiniling ng bise alkalde at iba pang miyembro ng Sanggunian sa PENRO sa technical conference ng Environmental Management Bureau hinggil sa pagpapasara ng tambakan ng basura.

Nanindigan si Vice Mayor Legaspi na walang pamumulitika sa likod ng nasabing resolusyon na ipinasa nila na nagrerekomenda na isara ang tambakan ng basura sa Brgy. Cabatanga.

Ayon kay Legaspi ang kanilang aksiyon ay base umano sa kanyang personal na obserbasyon sa lugar na aniya ay hindi sumusunod sa mga environmental laws.

Binanggit rin ng opisyal na maaaring makasuhan administratibo ang PENRO dahil sa malisyoso niyang pananalita.

Nabatid na hindi pa nakakabisita sa lugar si Talabero. Humingi naman ito ng "sorry" sa Sangguniang Bayan sa nasabing conference pero nais ni Legaspi na mag public apology ito on air.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

No comments:

Post a Comment