Tuesday, August 21, 2018

MISTER SA NABAS NAGBIGTI, KRITIKAL

Isang mister ang nagbigti sa bayan ng Nabas ang kritikal parin ang kondisyon sa provincial hospital.

Ayon sa ulat ng Nabas PNP, naabutan ng 11-anyos na anak ang kanyang tatay na nakabitin sa loob ng CR.

Agad umanong humingi ng tulong ang bata sa tito niya para maialis sa pagkakabigti ang biktima.

Unang dinala sa district hospital ng Ibajay ang 41-anyos na lalaki at kalaunan ay dinala sa Kalibo para sa intensibong paggamot.

Napag-alaman na naganap ang insidente noong pang Agosto 16. Nananatiling naka-ICU ang biktima.

Problema sa pamilya ang tinitingnang dahilan sa tangkang pagpapakamatay ng mister.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment