Friday, August 24, 2018

LALAKI HULI SA PAGNANAKAW NG CELLPHONE SA ISANG SHOP SA KALIBO

Huli sa kuha ng CCTV ang lalaking ito na nagnanakaw ng cellphone sa isang cellphone repair shop sa Brgy. Poblacion, Kalibo.

Walang kamalay-malay ang babae na nagbabantay ng shop na kinukuha na ang cellphone sa kanyang tabi.

Ang insidente ay naganap Huwebes dakong alas-5:30 ng hapon.

Napag-alaman na ang sales lady ay nakakaranas umano ng pananakit ng ulo at nakatulog.

Inireklamo na ni Analou Villarubia, may-ari ng shop, sa kapulisan ng Kalibo nang mapag-alaman ang insidente.

Aniya, ang cellphone ay ginagamit na pangpaload at may lamang mahigit Php7,000 na halaga ng load.

Sa follow-up investigation ng kapulisan, nakilala ang suspek na si Alexander Resterio ng Poblacion, Lezo.

Tinutugis na ng kapulisan ang nasabing suspek.

Samantala, pinaniniwalaang kasabat ng lalaking suspek ang isa pang babae sa video.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment