Monday, August 20, 2018

LALAKI PATAY SA BANGGAAN NG MOTORSIKLO AT PICK-UP SA NUMANCIA

Patay ang isang lalaki sa banggang ng motorsiklo at pick-up sa Brgy. Badio, Numancia samantalang isa pa ang sugatan.

Kinilala ng Numancia PNP ang namatay na si Leo Reyes, 29-anyos, driver ng motorsiklo at residente ng Brgy. Alabasan, Numancia.

Sugatan rin ang kanyang backrider na kinilalang si Analie Reyes, 26, residente rin ng Brgy. Alabasan.

Ayon sa kapulisan, binabaybay ng motorsiklo ang kahabaan ng barangay road mula Poblacion patungong Albasan nang maganap ang aksidente.

Pagdating sa intersection, inagaw ng kasalubong na pick-up ang linya ng motorsiklo dahilan para magsalpukan ang dalawang sasakyan.

Tumakas ang driver ng pick-up na iniwan ang kanyang sasakyan. Agad isinugod ng rumespondeng PDRRMO rescuer ang mga biktima sa pribadong ospital.

Naganap ang aksidente hapon ng Sabado pero kinabukasan ay binawian ng buhay ang driver ng motorsiklo habang ginagamot sa ospital.

Sumuko rin sa kapulisan ang suspek na kinilalang si Edsel Socion, 40, residente ng Brgy. Badio.

Nakakulong na ngayon ang driver sa Numancio PNP station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment