Saturday, August 25, 2018

FISH VENDOR SA KALIBO ARESTADO SA KASONG RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING TO HOMICIDE

ARESTADO ANG isang fish vendor sa Brgy. Mabilo, Kalibo ngayong araw sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Damage to Property.

Ang akusado ay nakilalang si Giron CastaƱo, 41-anyos, residente ng nabanggit na lugar. Naaresto siya sa bisa ng warrant of arrest.

Mababatid na nabundol niya ang isang lalaki na nagpapadyak ng traysikad noong Marso sa Brgy. Pook, Kalibo habang siya ay nagmamaneho ng motorsiklo.

Patay na nang makarating sa ospital ang biktima na si Danilo Alejandro, 44, ng Brgy. Caano, Kalibo.

Nakakulong na ngayon sa Kalibo PNP Station ang akusado at nakatakdang dalhin sa kaulang korte. Php60,000 ang pyansang itinakda para sa pansamantala niyang paglaya.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment