Maglalaan ang administrasyong Duterte ng calamity fund na aabot sa P2 bilyong piso para sa mga manggagawa na maaapektuhan ng nakatakdang pagpapasara sa isla ng Boracay mula April 26.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa pulong balitaan sa MalacaƱang.
Ani Roque, ang halagang ito ay batay sa binanggit mismo ng Department of Finance.
Samantala, sinabi rin ni Roque na inaasahan ang pagdedeklara ng pangulo ng state of calamity sa isla.
Gayunman anya, iginigiit ng pangulo na ang perang ilalabas para sa calamity fund ay hindi dapat mapakinabangan ng resort owners kundi para lamang sa mga manggagawa.
Ayon pa kay Roque, nasa 35,000 manggagawa mula sa iba’t ibang establisyimento ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Boracay ngunit hindi naman lahat ay mawawalan ng trabaho.
Ang iba ay kailangan lamang magpalit ng hanapbuhay o trabaho sa ngayon.
Iginiit naman ng kalihim na tutulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga maaapektuhang manggagawa./ Radyo INQUIRER
No comments:
Post a Comment