Inaasahan na magiging mas maganda pa ang ugnayan ng Sangguniang Bayan ng Kalibo at ng mga media para sa pag-unlad at kapakanan ng mamamayan.
Kasunod ito ng pagbuo ng press corps ng mga media na regular na kumukuber sa Sanggunian.
Ang mga opisyal ng press corps ay pormal ng sumumpa sa posisyon araw ng Huwebes na pinangasiwaan ni Vice Mayor Madeline Regalado.
Narito ang mga opisyal ng Kalibo Sangguniang Bayan Press Corps (KSBPC):
President: Jun Agguire, GMA News TV
Vice President: Arnel Vicente, Brigada News FM Kalibo
Secretary: Doniel Aguirre, Radyo Natin Kalibo
Asst. Secretary: James Ramos, Barangay RU 92.9
Treasurer: Rhenz Navida, RMN DYKR
Business Manager: Alex Magno, Radyo Todo Aklan
Auditor: Recto Vidal, Energy FM Kalibo
Board of Directors:
*Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
*Ronnie Biliones, Bombo Kalibo
*Chita Heap, Aklan Reporter
Nagpaabot naman ng pagbati at pagsuporta ang mga miyembro ng Sanggunian sa mga inducted officer ng first-ever press corps ng SB Kalibo.
Plano ngayon ni Jun Aguirre, president ng KSBPC na iparehistro sa Security and Exchange Commission ang organisasyon at ipaacredit ito sa Sanggunian.
No comments:
Post a Comment