Itutuloy ng STL Panay Resources Co., Ltd. ang pagdredge sa Aklan river sa gitna ng pagtutol ng ilang mga residente sa Kalibo.
Ito ang kinumpirma ni Engr. Roger Vergara, project engineer ng STL, sa isang press conference Miyerkules ng gabi.
Ayon sa kanya, sa susunod na linggo ay sisimulan na ang operasyon. Miyerkules ng umaga ay dumating na ang dredging vessel at barge ng STL.
Paliwanag niya, lahat umano ng dokumento para sa proyekto ay nacomply na nila. Naalis narin umano ang cease and desist order na ibinaba ng Department of Environment and Natural Resources.
Kinumpirma niya na tanging buhangin lamang ang kukunin at dadalhin sa Singapore para sa reclamation purpose. Pinabulaanan niya na ito ay mining.
Ayon sa Memorandum of Agreement ng STL sa gobyerno probinsiyal, 15 million cubic meter ang kukuning buhangin ng STL sa ilog.
Ang proyekto umano ay libre at kapalit nito ay magbibigay pa ng Php5 bawat cubic meter ang STL sa gobyerno provincial. Daragdagan pa umano ito ng Php2 para sa mga barangay na direktang maaapektuhan nito.
Nabatid na walong barangay sa Kalibo at limang barangay sa Numancia ang direktang maaapektuhan ng proyekto.
Pinasiguro naman ni Vergara na susunod sila sa mga pamatayan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng proyekto.
Layunin ng proyekto na maibsan ang pagbaha sa Kalibo at Numancia./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo
No comments:
Post a Comment