Wala pang final guidelines ang gobyerno kung paano ipatutupad ang shutdown [ng Boracay] pero sa kanilang draft, nakasaad na simula Abril 26 ay haharangin na ang mga turista sa Jetty Port.
Kakailanganin din ng mga residente at empleyado na magpakita ng official ID na may address para makalabas-masok sa isla.
Bawal na rin ang swimming sa beach sa loob ng shutdown.
Papayagan naman ang media na pumasok pero may prior approval dapat at sigurado ang petsa kung hanggang kailan lang nasa isla.
Ire-revalidate ng Bureau of Immigration ang mga foreign residents at iisa lang din ang gagawing entry at exit point ng Boracay.
"We are serious on this...What’s the use of closing Boracay if you allow one, two or three persons to violate?" ani Department of the Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año.
Handa naman ang gobyerno sakaling umabot sa korte ang naturang pagpapasara sa isla./ ABS-CBN News
No comments:
Post a Comment