ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Kinilala ang mga naaresto na sina Janel Tayco Villanueva, 19, tubong Kalibo, Aklan; Reymond Alan Molina, 19, ng so. Ambulong, brgy. Manocmanoc; at isang menor de edad na si alias Christian, 15, ng so. Tulubhan, brgy. Manoc-Manoc.
Una rito, nagreklamo sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang dalawang boarders matapos silang nakawan ng madaling araw sa tinutuluyan nilang boarding house sa Talipapa Bukid sa nasabing Isla.
Nakuha ng mga suspek na ito ang Flaire F3 mobile phone, Lenovo Tablet, Samsung J2 at GoPro cam.
Nahuli ng kaibigan ng isa sa mga biktima ang menor de edad at itinurn-over sa mga otoridad samantalang ang dalawa pa ay naaresto sa sinagawang follow-up operation ng mga kapulisan.
Narekober naman ng mga kapulisan mula sa mga suspek ang mga ninakaw sa naturang boarding house.
Nakapiit na ngayon sa Aklan Rehabilitation Center sina Molina at Villanueva matapos maharap sa mga kasong theft at robbery samantalang ang menor de edad ay itinur-over sa kustodiya ng municipal social welfare office.
Napag-alaman na ang ‘Boracay Demons’ ay madalas na naiuugnay sa mga kaso ng pagnanakaw at akyat bahay sa isla.
No comments:
Post a Comment