ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Isang Australian National ang nagreklamo sa Boracay PNP
station makaraan umanong mabiktima ng snatching sa Isla ng Boracay kahapon dakong
alas-10 ng umaga.
Ayon sa biktimang si Charlotte Collingwood, nag-aantay umano
sila ng masasakyang motorsiklo kasama ang kanyang boyfriend sa brgy. Manocmanoc
nang mangyari ang nasabing insidente.
May lumapit umano sa kanilang motorsiklo at hinablot ng
sakay nito ang kanyang shoulder bag saka ito humarurot ng takbo papalayo.
Sinabi ng biktima na kabilang umano sa laman ng nasabing bag
ang laptop, relo, necklace, camera at perang mahigit Php7,000. Sa pagtaya ng
turista, aabot ang mga ito sa halagang
Php111,000.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan hinggil
sa nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment