Ipagbabawal sa Isla ng Boracay ang mga kasiyahan at mga
malalakas na tugtog sa darating na Byernes Santo.
Sinabi ni Felix delos Santos, chief tourism operations
officer ng Boracay, ito ay para tahimik na gunitain ng mga mananampalatayang
Katoliko ang sakripisyo ng Panginoong Jesucrsito.
Ayon kay delos Santos, ang ban ay magsisimula sa Byernes Santo, alas-6:00 ng
umaga at magtatapos alas-6:00 ng umaga ng Sabado de Gloria.
Nakasaad sa panuntunan ng municipal resolution no. 015 ay
pagbabawal ng pagbibigay ng mga permit sa pagsasagawa ng mga kasiyahan o party sa Boracay sa Byernes Santo.
Nabatid na ang panuntunang ito ay ipinapatupad bawat taon
simula nang ito ay maipasa noong 2009.
Bagaman walang itinakdang parusa, sinabi ng opisyal na ang
mga kapulisan ay magpapatrolya parin sa isla upang masiguro na ang resolusyon
ay sinusunod.
Nilinaw naman niya na ang mga bars at restaurant sa isla ay
hindi binabawalang mag-operate maliban lamang sa pagpapatugtog ng mga maiingay
na musika. (PNA)
No comments:
Post a Comment