Libre sa publiko ang entrance sa Tigayon Hill sa darating na Huwebes at Byernes Santo ayon sa lokal na pamahalaan ng Kalibo.
Ayon kay Rhea Rose Meren, Kalibo tourism office head, ang Tigayon Hill ay isa umano sa mga paboritong destinasyon sa panahon ng Semana Santa.
Una nang naglinis ang lokal na pamahalaan nitong nakalipas na Sabado at Linggo sa Tigayon Hill.
Tinuturing ng pamahalaang lokal na isa itong "enchanted destination."
Sa mga regular na araw ang entrance sa Tigayon Hill ay Php30 para sa mga residente ng Kalibo at Php100 para naman sa mga turista.
Maliban sa Tigayon Hill, ang iba pang mga paboritong Holy Week destination sa probinsiya ay ang Manduyog Hill sa Banga, Spanish-old sa Tangalan na itinayo pa noong 1889.
Sa Boracay, ang mga popular na Holy Week destination ay ang Sta. Lucia chapel sa brgy. Manocmanoc, Nuestra SeƱora Lourdes chapel sa Yapak, St. John the Baptist sa Angol, Mary Mother of All Nations sa Pearl of the Pacific Resort at ang Holy Rosary Parish sa Balabag. (PNA)
No comments:
Post a Comment