Tuesday, April 11, 2017

FREE WIFI NAKATAKDANG ILAGAY SA COMPOUND NG PROVINCIAL CAPITOL

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo


Aprubado na sa Sangguniang Panlalawigan ang kahilingan ng pamahalaang lokal ng Aklan na sumailalim sa isang kasunduan para sa libreng wifi sa compound ng provincial capitol.

Ang kasunduan ay sa pagitan ng pamahalaang lokal at ng Department of Information and Communication Technology (DICT).

Ang implementasyon ay bahagi ng proyekto ng free-wifi internet access para sa mga pampublikong lugar.

Samantala, plano rin ng pamahalaang lokal ng probinsiya na isailalim sa pagsasanay ang nasa 500 Aklanon sa buong taon para maging information technology (IT) professional.

Ang plano ay bahagi ng technical training project ng Aklan Information and Communications Technology (ICT) council sa tulong ng DICT.

Ayon kay Marsh Bernabe, local economic and investment promotions officer of the provincial government, layun ng proyektong ito ang makahikayat ng mas maraming IT-BPO o business process outsourcing companies na mag-locate sa Aklan.

Sinabi pa ni Bernabe na nakatakdang simulan ang pagsasanay sa darating na Hunyo.

No comments:

Post a Comment