Thursday, April 13, 2017

TRICYCLE VS. MOTOR, 1 PATAY, 2 SUGATAN SA TABAYON, BANGA

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Binawian ng buhay ang isang 63-anyos na lalaki matapos masangkot sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa brgy. Tabayon, Banga kahapon.

Kinilala ang biktima at backrider ng motorsiklo na si Gaodencio Ropa, residente ng Bacan, Banga.

Samantalang sugatan naman ang driver ng motorsiklo na si Erol Julian, residente ng Camaligan, Batan at driver ng tricycle na si Benigno Morales, 50 anyos, residente ng Pagsanjan, Banga.

Ayon sa imbestigasyon ng Banga municipal police station, umagaw umano ng linya sa kurbadang bahagi ng kalsada ang tricycle dahilan para masagi niya ang kasalubong na motorsiklo.

Binawian ng buhay ang matanda habang ginagamot sa intensive care unit ng provincial hospital dakong alas-6:30 na na ng umaga ngayong araw.

Samantala, nakahospital arrest naman sa provincial hospital ang driver ng tricycle na nabatid na lasing nang mangyari ang aksidente.


Maswerte namang nagtamo lamang ng kaunting sugat ang driver ng motor at inirefer sa out-patient department ng ospital.

No comments:

Post a Comment