ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Ipapatawag ng committee on health ng Sangguniang
Panlalawigan ng Aklan ang pamunuan ng Dr. Rafael S. Tombokon Memorial Hospital
upang usisain ang operasyon at serbisyo ng nasabing pagamutan.
Ito ay matapos na ipinaabot ni SP member Noli Sodusta sa
regular session ng Sanggunian na nakatanggap umano siya ng mga impormasyon na
downgraded na ang provincial hospital sa level 1.
Paliwanag ni Sodusta, may mga nakausap umano siyang mga
indibidwal na nagrereklamo sa mga kakulangan ng hospital. Hindi naman naging
malinaw sa kanyang pahayag kung patungkol saan ang mga reklamong iyon.
Ipinapa-verify naman ni vice governor Reynaldo Quimpo ang
impormasyong downgraded ang nasabing pagamutan sa level 1. Taliwas sa
impormasyong ito,
iginiit ni Quimpo na nag-aa-upgrade pa nga ang hospital.
Sang-ayon naman ang mga miyembro ng Sanggunian sa kahilingang
ito ni Sodusta. Samantala, handa naman si committee on health chair Nelson Santamaria
na ipatawag ang hepe ng provincial hospital pati ang pamunuan ng provincial
health office.
Nais rin ipaabot ni SP Soviet Dela Cruz kung paano makapaglalaan
ng anti-venom ang hospital matapos kamakailan lamang ay may nakarating sa
kanyang ulat na may nakitang kobra sa kalsadahin ng isang bayan.
No comments:
Post a Comment