ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Mas pagtitibayin ngayon ng lokal na pamahalaan ng Kalibo at
ng Kalibo Save the Mangrove Association (KASAMA) ang kanilang ugnayan para sa pag-promote
ng Bakhawan Eco-Park bilang isang tourism destination.
Sinabi ni Midelyn Quadra, forest technician II ng Aklan Provincial
Environment and Natural Resources (PENRO), sa Sangguniang Bayan regular session
na maaring magtayo ng tourist center ang Kalibo sa nasabing eco-park.
Ito ay kasunod nang busisiin sa Sangguniang Bayan regular
session ang umiiral na memorandum of agreement (MOA) ng lokal na pamahalaan at
ng KASAMA at ng USWAG foundation.
Sa pagbusisi ng MOA taong 1998, napag-alaman na hindi na
nasusunod ang mga kasunduang itinatakda rito at kulang na ang ugnayan ng mga
nasabing partido.
May posibilidad namang baguhin ang nasabing MOA para
mapabuti pa ang ugnayan ng munisipyo sa mga pribadong grupo.
Nilinaw naman ni Merlene Aborka, chief technical division ng
PENRO-Aklan na ang eco-park ay pagmamay-ari ng DENR at pinamamahalaan ng
KASAMA.
No comments:
Post a Comment