ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
‘Welcome’ parin sa lokal na pamahalaan ng Numancia ang
dredging at flood mitigation project ng probinsiya ng Aklan basta malagyan muna
ng proteksyon ang mga barangay na direktang maaapektuhan ng proyekto.
Sa ekslusibong panayam ng Energy FM Kalibo kay Numancia
local disaster reduction and management officer II Richard Vega, sinabi niya na
dapat munang mai-comply ng Santarli (STL) ang bagong plano para sa nasabing
proyekto.
Naniniwala siya na kapag naimplementa ng maayos ay malaking
tulong ang nasabing operasyon para maibsan o maiwasan ang mga pagbaha sa
kanilang bayan.
Sinabi ni Vega na kapag natuloy ang proyekto, direktang
maapektuhan ng dredging operation ang mga lugar ng Camanci Norte, Bulwang,
Pusiw, Laguinbanwa at Aliputos, Numancia.
No comment naman si Vega sa isyung mining ang ginawa ng STL
sa Aklan river at pinaubuya ang paghuhusga sa mga kaukulang ahensiya ng
pamahalaan alinsunod sa kanilang pag-iimbestiga o pagsusuri.
Sa ngayon ay nakahold pa ang dredging vessel ng STL sa
baybayin ng Aklan makaraang makitaan ng mga paglabag sa kanilang inisyal na
operasyon kabilang na ang mga trepolante
nito.
Si Vega ay nagsisilbing kinatawan ng Numancia sa binuong
multi-partite monitoring team ng pamahalaan.
No comments:
Post a Comment