ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Maaaring ipangalan ang multi-awarded Bakhawan Eco-Park at
Aklan State University sa yumaong si Atty. Allen Salas Quimpo.
Ito ang proposal ni Aklan Press Club chairman emeritus Juan
“Johnny” Dayang sa kanyang naging mensahe sa isinagawang necrological service
ng nabanggit na organisasyon para kay Atty. Quimpo kahapon ng umaga sa ABL
Sport Complex.
Si Atty Quimpo ang nagpasimula ng pagtatanim ng bakhawan sa
maputik na tabing-dagat sa Brgy. New Buswang noong 1990. Sa ngayon ay isa na itong
reforestation site para makapigil sa pagbaha at storm surge sa komunidad.
Ang mangrove park na ito ay isa na sa mga matagumpay na reforestation
project at nakatanggap ng ilang mga pagkilala sa UN.
Samantala, si Quimpo rin ang naging daan upang maitatag ang
Aklan State University (ASU) noong siya
ay naglilingkod pa bilang kongresista. Ito rin ang dahilan kung bakit siya
tinaguriang “Ama” ng nasabing eskwelahan (RA 9055).
Nabanggit rin ni Dayang ang kanyang proposal na ipangalan
rin ang School of Mass Communication sa dating presidente ng Northwestern
Visayan Colleges.
Paliwanag ni Dayag, ito ay isang paraan upang bigyang
parangal at alalahanin ang mga nagawa ni Quimpo sa lalawigan.
Matatandaan na si Quimpo ay binawian ng buhay sa edad na 71
noong Disyembre 14 habang ginagamot sa sakit na pancreatic cancer sa isang
ospital sa Manila.
No comments:
Post a Comment