Malaki ang maiaambag ng mga benipesaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries sa pagpo-promote ng turismo at pakikibahagi sa solid waste management.
Ito ang ipinahayag ni Sangguniang Bayang member Philip Kimpo Jr. sa pinakahuling statistical research forum sa Sanggunang Panlalawigan session hall.
Ani Kimpo, maaari anyang i-deploy bilang mga “solid waste management community enforcers” ang mga benipesaryo at maaari pang bigyan ng porsyento sa mga multa na kanilang nakukolekta mula sa mga lumalabag. Sang-ayon naman ang Municipal Solid Waste Management Board sa pahayag ni Kimpo.
Maaari din umano silang maging tulong sa pagpo-promote ng turismo sa pamamagitan ng pagreresiklo ng mga basura at maging scout para sa pagre-rescue ng mga pagala-galang mga hayop. Makakatulong din umano ang mga ito sa paglilinis at pagpapaganda ng mga tourist destinations lalu na sa revival ng PiƱa Village.
Napag-alaman na ang Aklan ay may kabuuang 27,247 rehistrado at aktibing 4Ps beneficiaries.
No comments:
Post a Comment