Monday, January 28, 2019

15-anyos na dalaga tinangkang gahasain sa Numancia, nagreklamo sa kapulisan

photo not actual / from web

NAGREKLAMO SA kapulisan ang isang 15-anyos na dalaga makaraang tinangka umanong gahasain sa bayan ng Numancia.

Ayon kay SPO1 Babylyn Daylusan, hepe ng Women and Children Protection Desk ng Numancia PNP, nglalakad umano sa kalsada ang biktima pauwi ng kanilang bahay nang madaanan siya ng suspek.

Inalok umano niya ang dalaga na ihatid sa kanilang bahay sa Brgy. Poblacion, Kalibo pero dinala niya ito sa isang pension house na sa bayan ng Numancia kung saan sila nag-check-in.

Doon sa isang kuwarto hinubaran ng suspek ang dalaga at hinipuan sa mga masisilang bahagi ng katawan. Nagdahilan umano ang dalaga na iihi lang, bumihis at tumakas.

Naabutan din ng suspek ang dalaga sa labas ng pension house at inihatid rin ng suspek sa kanilang bahay sa Kalibo.

Sa una ay hindi agad nagsumbong sa kanyang ina ang biktima pero ikunuwento rin kalaunan ang insidente at nagdesisyon na ireklamo sa kapulisan. Nakikilala naman ng ina ng biktima ang suspek.

Hindi agad naaresto ang suspek nong araw ng Sabado kung kelan naganap ang insidente at naiulat sa kapulisan dahil hindi pa nasisiguro ang pagkakakilalan niya.

Sinabi ni SPO1 Daylusan na posibleng isampa ang kasong attempted rape sa pamamagitan ng regular filing.


Samantala, nagpaalala siya sa mga kababaehan kabilang na ang mga menor de edad na huwag basta magtitiwala lalo na sa mga hindi kakilala.##

No comments:

Post a Comment