Tuesday, January 29, 2019

Pagbuo ng Boracay Authority pinag-aaralan parin sa komite ng Senado

photo Darwin Tapayan / Energy FM Kalibo

KALIBO, AKLAN – Pinag-aaralan parin sa komite ng Senado ang panukalang pagbuo ng isang joint national at local authority na permanenteng mamamahala sa Isla ng Boracay.

Sa isang press conference dito sa Kalibo sinabi ni Senadora Cynthia Villar na isa sa mga resulta ng isinagawang imbestigasyon ng joint committees ng Senado.

“Yung amin sa Senate Committee on Environment and Natural Resources yung creation ng magmamanage ng Boracay,” sabi ni Senator Villar sa kanyang pagbisita dito sa kaarawan ng Ati-atihan.

“Kasi they feel that yung mga management ng mga famous area na ganito na dapat ipreserve should be a join management by the national and by local,” dagdag pa ng Committee Chair on Environment.

“So magki-create tayo ng something like Boracay Authority para yon ang permanenteng magmanage ng Boracay.”

Mababatid na pinangunahan ni Villar ang pagdinig kaugnay sa krisis na kinahaharap ng Isla ng Boracay na nagbunsod sa anim na buwang pagpapasara ng pamahalaang nasyonal dito.##

- Ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo




No comments:

Post a Comment