Thursday, September 20, 2018

LALAKI BINARIL PATAY SA BAYAN NG MAKATO

Patay ang isang lalaki sa pagbaril sa Brgy. Tibiawan, Makato ng gabi Miyerkules.

Kinilala sa report ng Makato PNP ang biktima na si Jennifer Trayco y Taladro, 42-anyos, laborer at tubong Brgy. Tamokoe, Tangalan.

Sa paunang pagsisiyasat ng kapulisan nabatid na nag-iinuman ang biktima kasama ang dalawa niyang pinsan ng maganap ang nasabing insidente.

Naglakad umano sa kalsada ang biktima nasa limang metro ang layo ng barilin siya ng suspek sa kanyang tiyan.

Agad isinugod sa ospital sa Kalibo ang biktima pero ilang oras lang ang lumipas ay binawian rin ng buhay.

Samantala, sa follow-up investigation ng Makato PNP isang basiyo ng 12 gauge ang narekober sa lugar.

Isang testigo rin ang nagsabi sa kapulisan na ang suspek sa pamamaril ay si Victor Tropa alias “Butsoy”.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa nasabing insidente.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

read more >> http://energyfmkalibo.blogspot.com
email us >> energyfm107.7kalibo@gmail.com

No comments:

Post a Comment