Tuesday, September 18, 2018

SUSPEK NA NANGGAHASA UMANO SA PAMANGKIN SINAMPAHAN NA NG KASONG RAPE

[UPDATE] SINAMPAHAN NA ng kasong rape ngayong araw ng Martes ang suspek na umano'y nanggahasa sa menor de edad na pamangkin sa bayan ng Kalibo.

Una nang naibalita na batay sa nanay, umaga ng Lunes nang pinasok umano ng suspek ang bata sa banyo habang naliligo at doon ito pinagsamantalahan.

Agad nagsumbong ang mag-ina sa kapulisan. Agad inaresto ng Kalibo PNP ang 40-anyos na suspek na nasa trabaho na sa isang construction site.

Mariin namang pinabulaanan ng suspek ang nasabing alegasyon.

Nabatid na minsan naring nakulong ang suspek sa kasong murder pero pinalaya rin matapos madismiss ang kaso.

Nakakulong na ngayon sa Aklan Rehabilitation Center ang suspek. Walang itinakdang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment